Thursday, September 11, 2014

ATENEO FANS

Dahil mahal ko kayong mga fans, gaya ng pagmamahal ko kay Xavier (bwakanang CHAUCE!!!) hahaha. Eto ay para sa inyo.....

Mga pinagdaanan niyo nung panahon ng UAAP...

Ano ang Lay-up?

Ano ung check ball?

Bakit may yellow card?




Bakit may mga putik na naglalaro ng basketball? At bakit may character ng Lord of the Rings na naglalaro ng VOLLEYBALL! hahahaha

**********************************************************************

After mong mapanuod si Alyssa Valdez, Marck Espejo, Kiefer Ravena sa teevee at sobrang naamaze ka at bet mo sila makita in person.. LEGIT FAN ka na!!! Charoott! Syempre iimbitahan mo na agad ang mga friends mo, kapamilya, kapitbahay pati na ung mga kasama mo sa pagnakaw ng deodorant sa 711 na manuod ng laro kahit sa black and white teevee nyo o dekahon para dekada singkwenta levels. hahaha!

Ewan ko lang ah. Pero may mga idol tayo na sa isang tingin mo pa lang kahit palpak ang ginawa nila, mahal pa rin natin sila. Dito mo malalaman kung fan ka nga talaga o nagpapakanfantard ka lang. WOW!! Ateneo Fan ako eh. hahaha. Meron naman tayong idol na hanggang idol lang. Yung gusto mo lang sila pero wala kang pakialam kung ano gawin nila sa buhay, kahit magchinese garter sila sa gitna ng traffic sa EDSA, kumain ng gasul sa loob ng department store o magpalit ng napakabahong medyas sa loob ng DFA (naexperience ko to! Pero hindi ako ahh kundi yung constru na papuntang SAUDI! punyeeeta!)

May Uri ang pagging fan: 

1. LEGIT FAN - kung saan super idol mo yung mga tulad ni Alyssa, Kiefer, Marck Espejo etc. hahaha. Pero naappreciate mo naman yung ibang magagaling na players sa kabilang team. Kala ko nga dati, SIPSIP lang ako para marami akong makuhang friends and followers sa twitter. Siyempre, pag plastic ka sa twitter at bet mo lahat ng TEAMS, ayan dagsa na ang followers. Dagsa ang retweets at favorites kada post mo at dahil jan ARTISTA ka na!!! Oh diba? hahaha. Pero maging handa ka dapat sa chismisan ng ibang fan. Lamang ka lagi ng blind item, like: "Ayan na naman yung plastic na bet lahat. Kala mo kung sino". Minsan may mga patama ang mga punyeeta na kahit di ikaw ang pinaparinggan, feeling mo ikaw na! CELEBRITY ganoorns? hahahaha. Masakit pero dapat handa kang tanggapin ang pang aalipusta nila hahaha, ATENEO FAN ka eh. Minsan nga karamihan sa ATENEO FAN, konyo na din! Kahit ung iba hindi mukhang tao, kumuKONYO na din! Kailangan makisabay kasi pag napagiwanan ka sa ENGLISHAN sa twitter, nako lagot! Wala ka na agad karapatan maging fan ng ATENEO! Gagawin mo lahat para maging in, kahit mukhang tanga ka na sa mga post mo na may PaNIGGA epek pa kahit alam ng lahat ng tao sa earth, pati na sa mars, sa palasyo ni MAGENTA o kaya sa bahay ni Reyna Silberia na di mo kayang sabihin to in person. hahaha. "Nah, I diiiinnt!" "That aiiintt cool". Wow!! ATENEO FAN ka na nga! Ang cool ng tingin ng tao sayo kahit nagdadabog na si google o lahat ng grammar site dahil abusado kang gumamit!  hahahaha. Ilan lang yan sa mga bagay bagay na magpapatunay na FAN ka ng ATENEO, hindi ko na alam yung iba! Itanong nyo yan sa ibang fans na nakakaubos na ng sampung truck ng tissue. 

2. FANTARD - kung saan hindi na normal ang pagtrato mo sa INIIDOLO mo. Yung tipong hindi na siya TAO. Tinalo niya pa si BATHALA, Diyos sila sa paningin mo at walang magawang mali kahit alam mong TRAVELING at OUTSIDE ang palo, pinipilit mong IN! Sabay sigaw sa linesmen na "TANG INA mo! INSIDE un!' kahit alam ng mga bulag na outside. Etong mga FANTARDS na lageng bansag sa ATENEO Fans na di ko maintindihan kung bakit, ay handang makipagpatayan mapagtanggol lang ang iniidolo! Gagawa ng tsismisan sa loob at labas ng CYBER World (relate na relate ako) hahaha. Etong mga "FANTARD" (Ayan ZAIDO ha!) na 5am pa lang nakapila na sa ARENA makuha lamang ang inaasam na COURTSIDE and selfie with the idols (bigyan na ng Jacket to!!) hahaha. Minsan pag tinanong mo: 

"WHY ATENEO?" Sasagutin ka ng: coz diy cul, diy good, diy nice and diy handsome and pretty! Sa kasamaang palad di ko alam kung saan nya natutunan ang kapunye punyetang kuda na yan! Isa lang ang alam ko: Kelangan maging IN! Ateneo Fan ka eh! hahahaa. At sino nagsasabing "LIARS GO TO HELL?" haha ung iba LIARS GO TO TWITTER!

Fantard1: Oh my GOD! I think I just saw ALYSSA here in Gateway!

Fantard2: Wow! Really? Take a PIC please!

Fantard1: (took a pic) ang ending. Putang ina: Si Alyssa Alano pala!!! hahaha. 

Naglipana din ang mga post na: Off to San Juan to watch volleyball! Ang Ending, nasa TEEVEE lang at di afford ang entrance fee (Lakas maka-DISCO! hahaha)

How much can you do for ATENEO TEAMS?

Fantard: I am willing to watch all their games! Kahit bagyo,baha,sunog, peksman mamatay man! Ako'y iyoy pakikinggan (Pakikanta please)

3. Bagong fan - eto ung mga tipong parang mga HALIMAW. Kuda dito, kuda doon! Away dito, away doon! Tas pag tinanong mo sa History ng Pilipinas (hahaha), walang kaalam alam! Chauce! Sila yung mga fan na last season (Season 76) lang nakapanuod ng Volleyball then kung umasta parang Till the World Ends na! Eto ung puro ALYSSA lang ang kilala! Dedma sa kateammate ni BALDO, basta para sa kanila. Si Alyssa lang ang sobrang galing! Si Alyssa vs DLSU vs NU vs UST! Si Alyssa na setter, libero, spiker, digger, referee, linesman, coach, spectator, tindera at kung anek anek pa! AT ANG HIRAP PAKILIWANAGAN NG MGA TAONG TO. ISANG MALI MO LANG, SISIGAW YAN NG "THIS IS WAR!!!!!' HAHAHHA. Karamihan sa mga matatagal na FAN ng volleyball and basketball, imbyerna sa mga bagong FAN. Bakit? Dahil ALAM KO LAHAT NG EME NG INIIDOLO KO. PATI KAPITBAHAY NILA SA KALAPIT NA PROBINSYA, KILALA KO! ABA MATINDE! HAHAHA

4. Lumang Fan - siyempre kung may bagong fan, meron din namang lumang fan! Eto ung panahon na naabutan pa nila sina Coach Roger, Coach ramil na naglaro and sino ba ang makakalimot kay Rosemarie Prochina (Legend to tol! LEGEEEENNNDDDD!!!). Karamihan sa mga lumang fan maaangas,matitigas ang mukha,matatapang hindi nagpapalamang at siyempre pa ALAM NILA LAHAT TOL!! Dude, wala ka! At dahil marami silang alam. Pasok sila sa edad Trenta pataas! hahaha

Dahil pumasa ka sa mga kritikong fans, nagpakita ka ng suporta sa TWITTER, FACEBOOK, FRIENDSTER and MYSPACE, nanuod ka ng laro LIVE: IKAW ay MATATAWAG NG LEGIT FAN NG ATENEO! Pero kung akala mo ay hanggang dun na lang pwes, hindi pa! Matatawag ka lang talaga ng UBOD at TUNAY na FAN kung may ATENEO SHIRSEY, POLO shirt or JACKET ka! (promotion ittuuu!hahaha). Kung hindi idaTHE WHO ka ng kapwa FANTARDS sa ARENA! na may kasamang TAAS KILAY! hahahaha





Mga nagmarkang kakonyohan ng mga FANS: 

ARNEOW (ATENEO)

LOZOL (KALABAN NG ARNEOW)

REX IN'AL (SILENT "T" DAPAT! HAHAHA)

KAREN DE DE (KAREN DERDER)

BE DE LEYOWN (BEA DE LEON)

ELLA D JESOZ (ELLA DE JESUS)

JIA MORADOW (JIA MORADO)

MICHELLE MOWRENE (MICHELLE MORENTE)

AMY AHOWMEEROW (AMY AHOMIRO)

DENDEN LAZAROW (DENDEN LAZARO)

PARLEY TOPAZ (PARLEY TUPAS)

TRES GASTOWN (THERESE GASTON)

AYEL PATKNOWNGOWN (AERIEAL PATNONGON)

MARCK ESPIHO (MARCK ESPEJO)

ISH POWLVOWROWZA (ISH POLVOROSA)

KARLOW SANOS (KARLO SANTOS)

Hahaha. Tang ina natanggal ngala ngala ko!! Punyettaa! At dahil jan: isa lang masasabi ko I'M A PROUD ATENEO FANTARD!!


#CTO for the Pictures

Tuesday, September 2, 2014

ZAIDO : PULIS PANGKALAWAKAN

Ang susunod na kasulatan ay pawang kabaklaan lamang.



Paalala: Bawal ang pikon lalo na ang may sakit sa puso! Huminahon, kumain ng baygon at lumunok ng GASUL!

Sa dami ng ganap sa Pilipinas, di mo iisiping may isang TAGAPAGTANGGOL na laging maasahan. Padami ng padami ang mga ganap sa Pilipinas katulad ng pagdami ng crossdressers sa PLANET ROMEO, punyeeetttaaa! Isama niyo na jan, Si Janet Napoles na hindi ko magets kung inverted ung ilong o talagang maga lang. Si Gloria na patuloy ang kaartehan sa neck brace. Si PNoy na patuloy ang pag-enumerate ng achievements ng gobyerno na kahit alam ng mamamayan na palaging

may eksena sa NAIA, maraming gutom sa kalsada at mga rapist na from here to there ang lakaran pero bakit di pa ako nadaanan, di ba nila alam na bet ko din ang MARAPE? hahahah. Siyempre, kung masaya ang mga ganap sa pulitika ng ating bansang sinilangan, papahuli ba ang Volleyball Community? Papahuli ba sa chismisan sina Gandang Alkuino, 21, ang Suffer Sireyna ng Nigeria. Benito, 22, ang That's my Tomboy ng Guatemala at si Listana.... Sino si listana? The who si Listana? Siya ung libero na hindi naglibero last UAAP Season. Kung ano mang posisyon nya, wala akong paki. Isa lang ang alam ko, pasok siya sa listahan ng THE WHO!

Nitong mga nakaraang araw, nag-aapoy sa galit ang ilong ni Bunag, chauce! ang sangkabaklaan, sangkabilatan at lalong lalo na ang mga FANS ni Phenom, or should I say, kulto ni Phenom. Ayon sa aking nakalap na balita, diumano, itong tatlong KAGALINGAN na volleyball player ay pinagchichismisan si Alyssa after matalo ang ATENEO sa AIRFORCE in 3sets. Nagsakit sakitan daw agad agad si Alyssa kasi nalotty marie! Aba naman, etong tong tong tong pakitongkitong na to, akala mo kagalingan, kagandahan, katalinuhan at kasexyhan! Hahaha. Anyway, to make the story short, nakatikim sila ng pang-aalipusta sa twitter (di ako kasali dun ha? hahaha), nilait ang hindi kalait lait na pes ni Alkuino, charooottttt!! Then biglang pasok ni: ZAIDO : PULIS PANGKALAWAKAN... tentenenentenen!


Ang tanong ng bayan: SINO SI ZAIDO? Siya ba ung tunay na tagapagtanggol ng mga naaapi? Siya ba yung kagwapuhan na ating pinapantansyahan sa telebisyon (sumalangit nawa ang kaluluwa ni Marky Cielo) o siya ung EPAL lang na tagapagtanggol ng mga sinungaling? hahahaha. Kung fan kayo ng Volleyball, kilalang kilala niyo si ZAIDO! Si ZAIDO na walang alam kundi chumika ng anek anek na walang saysay, si ZAIDO na halos lahat na lang friend nya, si ZAIDO na kinavogue pa si CASPER the FRIENDLY GHOST at si Big Brother dahil kahit wala siya dun sa eksena, alam niya ang nangyayari!  Nakakatakot pala siya kung ganun? Baka pati sa himbing ng aking pagtulog ay biglang lilitaw na lang siya sa gilid ko at iconfirm kung bakla ba talaga ako! HAHAHA. Sabi ng friend ko and I quote: "Daming alam na hanash kahit wit naman niya learn ang ganap! Punyeta!". Pagpasensyahan niyo na si MARS, may hugot eh! Ang alam ko lang, pasok siya sa listahan ng EPAL KA NOH?

Kung sino si ZAIDO, maghanap ng GOOGLE! Clue: Maraming alam tong si ZAIDO. 

Oh siya, hanggang dito na lang! At kung may suhestiyon ipagbigay alam sa barangay o parlor! Babushka! 


Pictures: CTO! Hindi ko alam ang twitter account ng photographer kaya hindi ko MAMENTION! Charauggghhttt!!!

Tuesday, August 12, 2014

KABOGERANG SUNDAY FOR THE ATENEANS!



Sunday, August 10, 2014. Lahat ng utash especially mga faney ng ATENEO ay excited sa umaatikabong bakbakan. Hindi sa parlor kundi sa sports complex (lakas makaDEKADA 70). Ateneo Men's BasketBall VS UE. Ateneo Men's Volleyball vs Systema Active Smashers for Viking CUPS FINALS, Ateneo vs CAGAYAN for SHAKEY's VLeague Quarterfinal and may laro din ung Ateneo Women's Basketball, wag niyo akong tanungin dahil di ko alam ang ganap sa women's basketball, si @coolangme10 lang ang learn ko na player sa kanila.

Bago gumorabels sa Anonas for Viking Cups Finals, di ako makadecide kung anergic ang isusuot. Red gown? Blue Three? Yellow Four? o Pink five? charrrooottt!!! Syempre nagsettle akey sa short shorts! Oh diba nga, dedma na sa malatarantulang legs, makaPEKPEK shorts lang. Hahaha. Since nasa Cainta lang akey, nagdrive ako ng train. Nakaidlip ako sa pagod, akala ko nasa J. Ruiz station, Patrol ng Pilipino na akembang. Mineet key @BB_Lavinia na sobrang skinny these days ha! Epektib ang biofit tea (buylur na agad agad!!) and @whatsupban na Inlababong inlababo (cutie ang jowa, fresh from the OVEN).





SYSTEMA ACTIVE SMASHERS VS ATENEO MEN'S VOLLEYBALL 

Excited kaming tatlo pero di ko talaga napaghandaan ang stairway to heaven. Punyeta!! Walkatonic galore ng pagkahabahaba! 6th floor lang naman, ang ending HAGARDO VERSOZA na pagdating sa tuktok! Then bumulaga saken ang sangkabaklaan. YES, ang daming mga kumareng may BALLS dun. Expected mo na yun, gwapo mga players eh! Unang site, Jeb Bello na iskalera ang FRESHNESS!! At wag nyo akong tanungin sa CROTCH ng Systema Coach kasi pasabog sa JAR ang kadakilaan! Kahit ang bangs ni lapu lapu magwawala, magwewet at may pupulandit na puting likido from here to there! Kung ano ang puting likido, itanong niyo kay Lola Bashang o sa kanyang sikat na rocking chair at mahiwagang baul. May mga bagong mukha sa AMVT. First time ko masite ang rookies na may future kabugin si kumareng Ricky Reyes. char lang!

1. Rivera - open spiker. Bet to ng mga bayawak mahihilig sa bata bata paano ka ginawa! Inferno, gwapo din! Malakas at baonera ang hitad (hitad talaga? hahhaa)

2. Manuel Sumaguid - libero. Na pinagpapvigil pa rin ang pagrelease ng NU! hahaha. Maganda depensa (natural libero nga diba?)

3. Tan - middle. Kasing lakas ni Bea Tan. Chauce lang!

4. R. Santos - open ba to? hahaha. Bulong ng beki friend ko, ang gwapo nung no.10! un na! Bawal ata pangit sa AMVT! hahaha

At ang nagbabalik kagandahang asal: Riviera. Palakpakan na may kasamang hiyawan! charrr!!!

First sex, six pala: Marck Espejo, Rex Intal, Josh Villanueva, Ish Polvorosa, Ysay Marasigan, John Rivera. Libero : Riviera (digger) and Sumanguid (receiver) Tama ba?

Siyempre, papakabog ba ang SYSTEMA sa pagwapuhan, pagalingan at palakihan....ng muscles?? hahaha. Pero nakakabother ang crotch ng coach ha! Ang borap kumanta ng Can't Take My Eyes Off You. Same line up sa kanila. Naiba lang si JP PAREJA, open spiker/gatorade endorser, chosss lang JP! hahahaha

First Six: Chris Macasaet, Myco Antonio, AJ Pareja, TJ Sto Tomas, John Depante, Rocky Honrade. libero: Rhenze (na katilam tilam! Kung mahilig kau sa semi-growlr na borta, mabetbetan nyo siya, diba Lavinia?) hahaha. Pede ng jumoin sa gandang lalake tong mga to!! Juice Colored!

And the Oscar goes to: drumroll...... ATENEO MEN'S VOLLEYBALL in 5 pukpukang sets!
25-13 21-25 28-26 25-27 15-10

Highlights of the GAME: Pesyal ni Josh (na super effective as middle hitter. Nakailang block!) to Chris (video posted @admuvolleyball sa twitter) , Puto ni Riviera sa kabogerang hit ni Chris, Bounce ball ni Rex not once but twice! Backrow ni Marck at ang pamatay lamok na hit ni YSAY!!

Sa mga nang-iintrigang binenta ang LARO, ay jusko mga ateng na hindi present dun. Kung nakita nyo lang nakailang block at ilang patay sina AJ and TJ sa AMVT, baka magwala kayo! Mga gaga! Eto ung klaseng mga pralalang walang saysay. PWEEEE

Congratulations CHAMPIONS! 

ATENEO VS CAGAYAN

After ng Game, wit na namin inantay ang Awarding. Alay Lakad ulit from 6th floor to Ground. Bakit ba kasi sira ang elevator ng WCC, burberry wrong!! hahaha then gorabels na sa San Juan Arena to watch ATENEO vs CAGAYAN! Pwede na kaming tawaging Kurachina ang beking walang pahinga. Syempre, dahil bakla nga kami di nawala ang kabaklaan namin sa TAXI na ikinaloka ni kuyang driver! More takbo ang mga VARDANG Beki, pagdating sa San Juan, boom panot! Wai na lower box na ticket. Ending: NASA CHARITY para sa mga nasalanta ng bagyong Glenda ang beauties namin. NYEMASSS!! #GENAD

Andun ang mga kalaban ng power rangers. Ang mga baklang sireyna ng CAGAYAN! As usual, maiingay at kabugan sa cheer talaga sila! hahaha. Inferno, dumami na sila. Nakahanap ng kaagapay, kabalikat, kapanalig, kamatis at kabayo! charraugght! Ramdam ko na inaabangan niyo ang PAMEWANG eksena pero di nangyari un. Nagmove on na ang lahat, katulad ng pagmove on ng 5points, chaucceee lang!!!

As usual, pasabog si ALYSSA VALDEZ. Who can stop her? Si MessMinchin lang ang makakablock sa kanya (in my dreams) hahaha! Bumulaga sa sangkabaklaan at sankabilatan ang first line cross court na according to YATO, malaSAORI KIMURA! Diba nga? Kung iskalera ang ginawa ng rookies ng AMVT, papakabog ba ang rookies ng AWVT. Sino mag-eexpect sa kabog na depensa ni Madayag, MIDDLE attacker yan ha! Twice niyang naputo si Angge and kung maperpek ang running, iskalera sa ganda at katilamtilam ang skills! Plus, maganda ang serbisyo publiko ni mars! Derder and Bea Del did well. Denden, Mich, Kiwi and Kim - kabog din ang mga performances.

Inferno, AIZA MAIZO is AIZA MAIZO! Parang di nanganak si Tiyang! Ang Lakas talga! Ibigay mo sa dos at cuatro, hahambalusin ni Mars ang bola! I love you IDOL!!! hahaha. fumafantard akey bakit ba? Bang Pineda is love!

Winner: ATENEO! 4 sets lang na pati clitoris ko kinabahan nung 3rd set. lerks!

Highlights of the Game: Spikes ni Alyssa, Quick ni BeaDel, Floor defense ng buong team! 

17-25, 25-23, 27-25, 25-19 

Wag ng ulitin ang: "GO CAGAYAN, ONE BIG FIGHT!". Sakit sa curly bangs ko! hahaha

BRAVO GIRLS!!

ATENEO MEN'S BASKETBALL

Isa lang alam ko: ang gagwapo nila!! hahaha Oh my Arvin! Kahit sabunutan ako ng mga beking nagtitilam tilam sau, dedma sa Japan! hahaha! Ang armpitssss!! FETISH. charooottt lang. Ayaw kong mabulaklak dahil hindi pa lagpas dise otso ang mhin. Keifer scored 38points. Sa daming ganap sa basketball, kabogera si ateng na nagdirty finger, agaw eksena. Mas pinag-uusapan pa siya kesa Once A Princess ni kumareng enchong and Erich. And ung DLSU-UST cheering for UE! Ending, One Big Nganga! hahaha. Nagmamadabog na elbow! hahaha

Winner: ATENEO 93 - 91

ATENEAN ATHLETE of the DAY: the nominees: 

1. Alyssa Valdez
2. Keifer Ravena
3. Josh Villanueva

And the Miss Universe 2014 goes to......................... JOSH VILLANUEVA (that facial!! cry cry). charrrottt!

PS: Ngayon ko lang ramdam ang kachakahan ng buhok ko! haha ang hairline beks, byaheng panotcha na! hahaha

Kung may komento, argumento at opinyon - isuplong sa kalapit na parlor at hanapin ang baklang COBRA (beking walang ngipin sa gitna) hahaha

Maraming Salamat sa patuloy na pagsuporta sa aming kabaklaan. Hanggang sa kabilang buhay! chauce!

Pictures: CTTO!

Friday, August 8, 2014

ATENEO WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM


Ang Susunod na kabaklaan ay may temang sekswal, karahasan, horror o drama na di angkop sa mga chakang mambabasa. Patnubay ng salamin ay kailangan! ding ding ding. 

Habang sinusulat ko ang blog tungkol sa AMVT, alam kong  may magwawalang FANS na bakit nauna pa sila kesa sa AWVT! Magwawala ang sankabilatan, sankabaklaan at ang sanlibutan na kahit si ZAIDO na pulis pangkalawakan ay walang magagawa, wala ring magagawa si ZENKI kahit nasa kanya ang mga KUKO ni Bajula o kahit ang SPIRIT Ball ni Son Goku o kahit ang baklang parlor na nagbayad ng bente pesos sa tambay sa kanto, makahada lang. hahaha! 

Una sa lahat, natural alangan namang  huli sa lahat, char! Sobrang daming fans ng AWVT (wag magreact ang fans ni Bulan, please? hahaha). Na kung susuriin, titingnan at babalatan ay hindi na ata mga fans. KULTO na ata tawag sa kanila! Kayang mang-away, pumatay at make-upan si aleng nagbebenta ng softdrinks sa ARENA na inferno, pamahal ng pamahal ang presyo, wag mo lang maalipusta ang kanilang iniidolo! Sa dami ng fans nila nagdadabog ng bangs ang sasampung fans ng mga gandarang ALKUINO ng ADU, Palma ng FEU at ang pinakamaganda sa balat ng halimaw sa banga na si DADANG ng NU, char! Wala silang magagawa kundi tanggapin ang katagang: AANHIN pa ang MUKHA kung mukhang inabuso ng pagkalala lala! Charaughhhhtt!!!

Back to girls, Pokus muna tayo sa Season 76 lineup. Setyembre o Oktubre nuon, di ko na tanda mga mars (dala ng katandaan! hahaha), inanunsyo na may bagong coach ang ADMU! Mega crayola ang mga hitad na magbabu for real si Mang Roger sa ADMU! Si Roger, palagi  na lang si Roger. Si roger na walang malay, Si Roger na hindi nakipagkamay kay Ramil at si Roger na sinundan na ata ng ITLOG NI JANGGA sa Dyesebel dahil palaging Lotty! hahahahaha. Then inanounce na nga na THAI na ang new coach! Sabi ko WOW, baka kamukha ni mario maurer, o kamukha ni Dao Ming Tsi (bakit ba? hahaha) pero kinabahan akey nambongs baka sa haggard ng training maging kapes ng girls si gandarang Alkuino na sa kabutihang palad hindi nangyari! 

Fan na ako ng ALE since kumareng Charo Santos before sya nagdecide na mag MAALALA mo KAYA! este Charo Soriano pala (nawawala na ako!!). Gandara si ateng at bet na bet key ang pagging brainy! Shala ang dating, kasing shala ko at kasing payat ko rin (mahabaging langit, maawa ka!). Pero sa di malamang  kadahilanan, sexy si Charo. Ako, wag na nating pag usapan. Baka maduwal kayo!

Ako yung fan o kami ung klaseng fan na kahit UE pa ang kalaban ay nasa Arena kami! kahit alam mong si Alyssa pumalo sa labas ng ARENA, kayang i-IN ang bola! Kahit na nakapikit si Jia at nagwawalking split si AMY, kayang manalo! kahit hadain ko pa si Coach Tai sa pampublikong banyo! charauggghttt!!! hahaha. Marami na ang nakakakilala sa GIRLs. Di tulad nuon na kunti lang ang mga JEJEMON sa ARENA. Kunti lang ung madudumi ang kuko sa paa at kunti lang ang bumibili ng softdrinks kay ATE! Charaught!!

Ayokong isipin ung DANCE kete DANCE kete DANCE lassheeerr! Nastress ako ng bongga! Death threats dito, death threats doon! And ending, ung gustong pumatay nasa bahay, walang pambili ng ticket (Oh ayan ha! BINIBILI ANG TICKET PERO IBANG USAPAN UNG BINIGAY SAU TAPOS BINEBENTA MO! PUNYETA!!! HAHAHAHA)

Ateneo Women's Volleyball Season 76 Line up!

1. Alyssa Valdez - open hitter, middle, utility, setter, referee, lineswoman, barker, traffic enforcer, senator! (Kahit anong position Ibigay mo kay Alyssa kaya ng lola nyo! Kahit pumalo pa sya sa ibabaw ng lips ni ARA! (bawal Pikon ha!). (SEASON AND FINALS MVP, BEST SERVER, BEST SCORER, BEST IN ARALING PANLIPUNAN AND BEST IN MATH)

2. Denden Lazaro - libero (PINAKAMAGANDANG LIBERO SA PILIPINAS KAHIT MAGDABOG ANG MAKAPAL NA MAKE UP NI JEN REYES! HAHAHA). (BEST RECEIVER, BEST DIGGER, BEST IN HEKASI AND BEST IN COOKING) HAHAHAHA)

3. Ella de Jesus - open hitter (Siya ang patunay na hindi lahat ng below 5'5 ay takot sa galit na ilong ni ABY, charaaauuuugggghhhtt!!! (BEST in Filipino major in Sining sa pakikipagtalastasan) hahaha)

4. Julia Morado - setter. (Kay bata bata ng batang to pero kabogera na!Future sya ng Philippine Cinema. Chauceee!!! Mahihiya si Ivy at Lantin sa kagalingan ni Julia at mabrobrokot in a major major way si Kim Fajardo. Wag na nating pag-usapan si Ponon dahil pasok sya sa THE WHO times 10. (Best in Sibika at Kultura)

5. Kiwi Ahomiro - middle, utility. (Magkano Kiwi ngaun sa Pampublikong Merkado? May Private Market kaya, ang tanong saken ng ulilang bata sa simbahan ng Taytay Rizal! hahaha. Aside kay Aly, ang bet ko for Finals MVP ay si KIWI! Siya ang nagpatunay na hindi lahat ng drop shots ni Mika, successful! chauceeee!!!)

6. Ana Gopico - middle! (Isa sa pinakaIDOL ko sa ADMU! Ung bounce ball nya nung round 1 against Jaja! NAKAKALOKA! Sad lang kasi nainjured sya! Pero alam kong BABANGON siya at DUDURUGIN kayo! OO KAYO! hahaha (Best in MSEP (meron pa ba nito?)

7. Gizelle Tan - libero, setter (pinakapinagpala sa katangkaran, charrringgg!!!!) Magaling na setter naman,bakit ba? hahaha Best in Science and Technology)

8. Kim Gequillana - open hitter (kapes nya talaga ung nasa hostel part 2.Heather Matarazzo. Di siya sanay sa crowd kaya nahaggard sya nung sa araneta and moa. Pero tingnan mo naman now kabogera sa SVL Open. Bravo!!!)

9. Marge Tejada - middle (Eto ang kamukha at kasing fresh ko! hahaha. Kung nakita lang ako ni Reiley before Marge, naku baka loveless si kumare ngaun! hahaha. Best in Jowa si mars. Dahil cutie si Reiley, inferno! Sa nagsasabing Beki si REILEY, haha mga chakang ampalaya! pwee!)

10. Aerial Patnongon - Middle (Tangkad Tangkaran, BB.pilipinas levels ang AURA at ang bilis pumalo! charrrr!!! Pero wag ka, nagimprove ang kumare kong ako lang ata ung sumisigaw ng name nya sa ARENA! Dedma sa Japan, she improved a lot! that's it! Sa hindi matanggap ang pag improve, try nyong karatin ang aso kong si doug doug haha. Best in Kaputian! Chauce!)

11. Mae Tajima - middle (Hanggang ngayon pinapagsaDiyos ko pa rin ang improvement ni Mae. Keri lang, maganda naman! Oh diba may excuse IVY! Pag maganda like Mae and Loren Lantin, keri lang. Pag wala, isang bwakanang nyeta! hahaha)

12. Bea Tan - utility (Di siya naglibero this time. Sobra na daw kasi ang magagandang libero sa Ateneo, di na kayang tanggapin ni General!hahaha)

13. Natasha Faustino - setter (Though pinagpray ko na ipasok sya kahit sa isang game, pinasok ba sya?? O kaya kahit kalaban nila TESDA o DATAMEX pero malupit si parley and thai! Maganda, mayaman at ang gwapo ng JOWAAAA!!! lakas makalaglag ng bahay bata!!!)

14. Michelle Morente - utility (Counterpart ni Kumareng Neil Flores sa pagiging clutch. SHe reminds me of DZI, brasuhan ang palo! Malakas, Mabaon at minsan puro net ball! pero sino makakalimot sa performance nya against NU?? hahaha. Ung mannerisms ni dindin ang pumasok sa isip ko! at ung instagram post hahaha)

Coach : Anunsorn Thai Bundit - coach ng madla, coach ng mga beki, daddy daddy, fetish ng mga beking bet ang papa type, bet ng buong pilipinas at bet sya ni Minchin kahit puro lep layt lep layt lang naririnig ko! 

Matindi ang pinagdaan ng girls, mas matindi pa sa pinagdaan ko nung panahong hindi pa nag iinarte ang regla ko! Natalo ng apat na beses, nawalan ng pag- asa, naging straight for once ang fingers ni Parley pero lumaban. lumaban hanggang inelbow ang ADU, nilamon ang NU pati ang kajejehan ni dindin at Pinaiyak si Aby sa Finals! 

Congratulations GIRLS! Bilang isang beking fan, ako ay naniniwala na wala pang kikay sabi ng nanay! charrr! naniniwalang pagdating ng season 77, kakabog kau kahit sasabihin pa ni Esperanza ang mga sumusunod: 

"BABAWIIN NAMIN ANG KORONA. ANG KORONANG TINIK! HAHAHAHA"

PS: Bakla pa rin ako, bottom! Si lavinia,bakla pa rin pero kwestunable ang pagkaTOP! hahahaha. At higit sa lahat, hindi bawal magcomment! hahahaha

Thursday, August 7, 2014

Bakla, Bakla, saan ka nag-umpisa?

Bago natin palalain ang kabaklaan, nararapat lamang na ako'y magpakilala muna. Ako nga pala si Lavinia, isang baklang nagtatago sa isa sa mga kinainisan nating kontrabidang cartoon. Red Lion nung Elementary, Blue Eagle nung High School, at Growling Tiger namn nung kolehiyo. Underrated ang kabaklaan ko. Charot! Season 68 ng UAAP nang una akong mahumaling sa panunuod ng volleyball. Sa murang edad (ganerns?) pa lang ay minahal ko na ang isport na to. Syempre natural sa bakla, top man o bottom o versa, ang ma in love sa volleyball. Sariwa pa sa alaala ko ang mga tanyag na balibolista nung mga panahon na yun - macatangay, carolino sisters, bang pantaleon, carrillo, dahlia cruz, bev boto, jinnie mondejar, patty taganas, charlie tan, steph gabriel, at syempre ang kamukha ko na si Charo Soriano! Charooooot! Nasabi ko na ba na kalaro namin ng mah jong si Kumareng Charo Soriano? At pag nagsugal kami, sunugan ng bank account ang labanan! To namam kasing si kumareng charo, ginagawang tissue paper ang cheke sa sobrang dami!  Anyway, ramdam ko noon ang pagiging super underdogs ng Ateneo WVT! Loti kung loti. Tegi kung tegi! Shigpay kung shigpay!

Pero paano ba kami nagkakilala ni @MessMinchin?

Ako nga pala ang dating @Emyasera, samantalang sya naman si @QueenzBayawak. Debut ng PSL nuon nang mapagkasunduan naming manuod ng mga laro. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkasundo ang kabaklaan namin. Nagjive. At mas lalo pa kaming naging bakla. Baklaan dito, baklaan doon. Walang pinipiling lugar at oras. Basta may pagkakataon, baklaan na! Doon kami nag-umpisang maging magkapatid sa pananampalataya. Army vs Cagayan noon. Wala kaming ginawa ni Minchin kundi mag-ingay at hanapin ang ilong ni Bunag sa Google Maps. Ayun, nasa loob pala. Inverted pala ang nose ni kumare, charot! Ngayong pasko, balak namin bigyan siya ng isang kilong collagen. Sya na bahala mag-inject, malaki na sya. Kaya na nya yun. Haha. O BAWAL PIKON HA!

O ayan, nagpakilala na ako ha! Ito na ang umpisa ng matinding baklaang magaganap sa blog na ito.

Mula, ito si Lavinia na nag-iiwan ng mga katagang PA PE PI PO PU.

PA. PApa po ang hanap namin.
PE. PEpe po ang wala sa amin.
PI. PIlit kaming nagpapakamahinhin.
PO. POkpok ang tawag sa amin.
PU. PUtang ina pumapatay din kami.


ATENEO MEN'S VOLLEYBALL

Ayan na mga mars. Kauna-unahang blog ni Atashi so pasensya na ha kung may mga maling spelling bee contest, charot!!! Anyways, isang buong dekada kong pinag-isipan kung siney ang magiging unang subject sa blog ko. Until, nakita ko ang topless na borta ni Ysay. hahaha! Char lang!

Dati rati, sa panahon pa ng Hapon at sa kasagsagan ng mga beking kakahanap ng Yamashita treasure, wit ko talaga knowing kung sino sino ang mga members ng AMVT! Kasi di naman ako nanunuod shado ng Men's volleyball! Ang kilala ko lang ay si AJ PAREJA (na iskalera ang kasarapan, aun sa makati kong friend) and si JR LABRADOR na nagdadabog ang kalalakihan! Kaya ekis saken ang  Men's volleyball, isa na din siguro dahil pagserve, spike agad then POINT! Oh palit na ng server. Mejo boring sa bilis ng play and wai mashado rallies, pwera na lang kung jumoin sila sa mga nagrarally sa Mendiola, char!

Until, spluk ng friend kong si Jannie Gavile (na andaming learn sa nyulibash talaga) na try naming manuod ng Men's volleyball. Well, isa na din siguro na he's recruiting for the team. Una, wit ko bet jumoin kasi nga ang early bird ng schedule! Alam mo naman ang beks, umaaswang levels. Very late na umurlog kakaaura diba nga?

Rest day key, Wednesday un! Tandang tanda ng aking murang pag-iisip (lakas makaXEREX!) and I gave it a shot! Sakay ako ng kalesa pago sa San Juan Arena. Dalawa lang ang dahilan kung bakit pumupunta akey sa San Juan, either watch ng volleyball o pabona sa mga nakakulong sa presinto na nagpakita ng NOTA samen ni @BB_lavina once! hahaha. ATENEO vs NU nun!

Pagsite ko pa lang sa AMVT, unang pumaslak sa jar ay ang GAGWAPO nila,inferno! Mamili ka, REX INTAL, YSAY MARASIGAN, JEB Bello, Marck Espejo, Karlo Santos o Jeriel?? Wag nyo munang tingnan si tolentino and baysac ng NU baka mawalan kayo ng gana (pasintabi po sa mga kumakain!). Then the game started!

Aside sa gwapo nga sila, hindi rin pwedeng isnabin ang skills especially Marck Espejo (Rookie of the YEAR, Season's MVP, Best in Swimsuit, Best in Formal Attire, char!!!). Rex and Ysay are also good. Ish (Best Setter and Best in Ahit sa Kilay) char lang NAK! ang galing din for a rookie! And syempre ang hindi kaingayan na si JP PAREJA (Best Receiver and Best in height). Everyone's like contributing and fighting their hearts out. kaso lotty! Dedma, bumawi naman nung Second round! They entered the finals and lost to defending champs NU BULLDOGS (cutie ni Baysac). hahahaha!

1. Marck Espejo - outside hitter (Rookie of the YEAR, Season's MVP, Best in Swimsuit, Best in Formal Attire, char!!!)

2. Ish Polvorosa - setter (Best setter, Best in Ahit sa Kilay)

3. Neil Flores - outside hitter (Clutch of the Year and Gandang Chinita)

4. Ysay Marasigan - middle, utility (Di pa rin ako makamove on sa ABS mong nagdadabog ang pandesal sa loob)

5. Josh Villanueva - utility (barda batdahan kong anak!)

6. JP Pareja - libero (Best receiver, kaingayan at katangkaran) Char lang!

7. Karlo Santos - setter (borta of the year! aminin mga mars, naglalaway kayo sa Biceps ni Karlo!)

8. Jeriel Apelar - libero (sige landiin nyo to kung gusto mo irunning spike ni Dzi Gervacio sa pes na walang net)

9. Xavier SeƱoren - outside hitter (baby ko of the year and bubble butt of the century. CHAR!)

10. Mark Morga - outside (Kiefer-pes levels)

11. Jeb Bello - setter ka ba jeb? (May baklang sumigaw sa likod ko nung araw na un: ANG GWAPO at ang FLAWLESS ni bello na akala mo kinarat ng kabayo sa kilig! Punyeta!)

12. Ricci Gonzales - outside (Kung nakita nya ako before Bea Tan baka mag-isip syang kembotin ako! charaught!!!!)

13. Karl Baysa - outside, utility (Na nakita ko sa CR sa ARENA, nagbabackflip. Char lang baby!)

14. Rex Intal - Middle (Nagwawala ang mga bilat kay REX! Gwapo ang mhin! maborap! matalino, mapanglait din! chauce lang REX!) hahhaha

Coach: Oliver Almadro - pambasang coach, coach ng bayan, coach ng palengke, conyo, pinagmanahan ni JP sa INGAY! At love na love kong coach na to! hahaha. Palakpakan na may kasamang sigawan!!! hahahaha

Si Neil and JP, gumraduate na! kumekembot na sila sa not so commercial leagues! at si Neil may planong kabugin si Oprah and Tyra sa pagiging negosyante!  hahaha

Oh sya mga mars! Watch na lang kayey ng VIKINGS CUP FINALS, WCC ANONAS, QC this Sunday! 2:30PM. AMVT vs SYSTEMA!

Kung may suhestiyon, opinyon at bayolenteng reaksyon, dumulog sa pinakamalapit na baranggay o sa istasyon ng pulis! O kaya dumulog sa parlor!

Magemail sa: princesslavinchin@gmail.com kung gusto mong may iblog ako sa inyong iniidolo o kinasusuklaman!

Babala: Bawal pikon, nakamamatay!!!