Bago natin palalain ang kabaklaan, nararapat lamang na ako'y magpakilala muna. Ako nga pala si Lavinia, isang baklang nagtatago sa isa sa mga kinainisan nating kontrabidang cartoon. Red Lion nung Elementary, Blue Eagle nung High School, at Growling Tiger namn nung kolehiyo. Underrated ang kabaklaan ko. Charot! Season 68 ng UAAP nang una akong mahumaling sa panunuod ng volleyball. Sa murang edad (ganerns?) pa lang ay minahal ko na ang isport na to. Syempre natural sa bakla, top man o bottom o versa, ang ma in love sa volleyball. Sariwa pa sa alaala ko ang mga tanyag na balibolista nung mga panahon na yun - macatangay, carolino sisters, bang pantaleon, carrillo, dahlia cruz, bev boto, jinnie mondejar, patty taganas, charlie tan, steph gabriel, at syempre ang kamukha ko na si Charo Soriano! Charooooot! Nasabi ko na ba na kalaro namin ng mah jong si Kumareng Charo Soriano? At pag nagsugal kami, sunugan ng bank account ang labanan! To namam kasing si kumareng charo, ginagawang tissue paper ang cheke sa sobrang dami! Anyway, ramdam ko noon ang pagiging super underdogs ng Ateneo WVT! Loti kung loti. Tegi kung tegi! Shigpay kung shigpay!
Pero paano ba kami nagkakilala ni @MessMinchin?
Ako nga pala ang dating @Emyasera, samantalang sya naman si @QueenzBayawak. Debut ng PSL nuon nang mapagkasunduan naming manuod ng mga laro. Sa di inaasahang pagkakataon, nagkasundo ang kabaklaan namin. Nagjive. At mas lalo pa kaming naging bakla. Baklaan dito, baklaan doon. Walang pinipiling lugar at oras. Basta may pagkakataon, baklaan na! Doon kami nag-umpisang maging magkapatid sa pananampalataya. Army vs Cagayan noon. Wala kaming ginawa ni Minchin kundi mag-ingay at hanapin ang ilong ni Bunag sa Google Maps. Ayun, nasa loob pala. Inverted pala ang nose ni kumare, charot! Ngayong pasko, balak namin bigyan siya ng isang kilong collagen. Sya na bahala mag-inject, malaki na sya. Kaya na nya yun. Haha. O BAWAL PIKON HA!
O ayan, nagpakilala na ako ha! Ito na ang umpisa ng matinding baklaang magaganap sa blog na ito.
Mula, ito si Lavinia na nag-iiwan ng mga katagang PA PE PI PO PU.
PA. PApa po ang hanap namin.
PE. PEpe po ang wala sa amin.
PI. PIlit kaming nagpapakamahinhin.
PO. POkpok ang tawag sa amin.
PU. PUtang ina pumapatay din kami.
Sana si mess din magpakilala or magbigay ng background ng buhay niya! Yung saan siya nag-aral, kung bkit sya bakla at kung bakit si fafa xave yung type niya! Hahaha..
ReplyDelete