Ayan na mga mars. Kauna-unahang blog ni Atashi so pasensya na ha kung may mga maling spelling bee contest, charot!!! Anyways, isang buong dekada kong pinag-isipan kung siney ang magiging unang subject sa blog ko. Until, nakita ko ang topless na borta ni Ysay. hahaha! Char lang!
Dati rati, sa panahon pa ng Hapon at sa kasagsagan ng mga beking kakahanap ng Yamashita treasure, wit ko talaga knowing kung sino sino ang mga members ng AMVT! Kasi di naman ako nanunuod shado ng Men's volleyball! Ang kilala ko lang ay si AJ PAREJA (na iskalera ang kasarapan, aun sa makati kong friend) and si JR LABRADOR na nagdadabog ang kalalakihan! Kaya ekis saken ang Men's volleyball, isa na din siguro dahil pagserve, spike agad then POINT! Oh palit na ng server. Mejo boring sa bilis ng play and wai mashado rallies, pwera na lang kung jumoin sila sa mga nagrarally sa Mendiola, char!
Until, spluk ng friend kong si Jannie Gavile (na andaming learn sa nyulibash talaga) na try naming manuod ng Men's volleyball. Well, isa na din siguro na he's recruiting for the team. Una, wit ko bet jumoin kasi nga ang early bird ng schedule! Alam mo naman ang beks, umaaswang levels. Very late na umurlog kakaaura diba nga?
Rest day key, Wednesday un! Tandang tanda ng aking murang pag-iisip (lakas makaXEREX!) and I gave it a shot! Sakay ako ng kalesa pago sa San Juan Arena. Dalawa lang ang dahilan kung bakit pumupunta akey sa San Juan, either watch ng volleyball o pabona sa mga nakakulong sa presinto na nagpakita ng NOTA samen ni @BB_lavina once! hahaha. ATENEO vs NU nun!
Pagsite ko pa lang sa AMVT, unang pumaslak sa jar ay ang GAGWAPO nila,inferno! Mamili ka, REX INTAL, YSAY MARASIGAN, JEB Bello, Marck Espejo, Karlo Santos o Jeriel?? Wag nyo munang tingnan si tolentino and baysac ng NU baka mawalan kayo ng gana (pasintabi po sa mga kumakain!). Then the game started!
Aside sa gwapo nga sila, hindi rin pwedeng isnabin ang skills especially Marck Espejo (Rookie of the YEAR, Season's MVP, Best in Swimsuit, Best in Formal Attire, char!!!). Rex and Ysay are also good. Ish (Best Setter and Best in Ahit sa Kilay) char lang NAK! ang galing din for a rookie! And syempre ang hindi kaingayan na si JP PAREJA (Best Receiver and Best in height). Everyone's like contributing and fighting their hearts out. kaso lotty! Dedma, bumawi naman nung Second round! They entered the finals and lost to defending champs NU BULLDOGS (cutie ni Baysac). hahahaha!
1. Marck Espejo - outside hitter (Rookie of the YEAR, Season's MVP, Best in Swimsuit, Best in Formal Attire, char!!!)
2. Ish Polvorosa - setter (Best setter, Best in Ahit sa Kilay)
3. Neil Flores - outside hitter (Clutch of the Year and Gandang Chinita)
4. Ysay Marasigan - middle, utility (Di pa rin ako makamove on sa ABS mong nagdadabog ang pandesal sa loob)
5. Josh Villanueva - utility (barda batdahan kong anak!)
6. JP Pareja - libero (Best receiver, kaingayan at katangkaran) Char lang!
7. Karlo Santos - setter (borta of the year! aminin mga mars, naglalaway kayo sa Biceps ni Karlo!)
8. Jeriel Apelar - libero (sige landiin nyo to kung gusto mo irunning spike ni Dzi Gervacio sa pes na walang net)
9. Xavier SeƱoren - outside hitter (baby ko of the year and bubble butt of the century. CHAR!)
10. Mark Morga - outside (Kiefer-pes levels)
11. Jeb Bello - setter ka ba jeb? (May baklang sumigaw sa likod ko nung araw na un: ANG GWAPO at ang FLAWLESS ni bello na akala mo kinarat ng kabayo sa kilig! Punyeta!)
12. Ricci Gonzales - outside (Kung nakita nya ako before Bea Tan baka mag-isip syang kembotin ako! charaught!!!!)
13. Karl Baysa - outside, utility (Na nakita ko sa CR sa ARENA, nagbabackflip. Char lang baby!)
14. Rex Intal - Middle (Nagwawala ang mga bilat kay REX! Gwapo ang mhin! maborap! matalino, mapanglait din! chauce lang REX!) hahhaha
Coach: Oliver Almadro - pambasang coach, coach ng bayan, coach ng palengke, conyo, pinagmanahan ni JP sa INGAY! At love na love kong coach na to! hahaha. Palakpakan na may kasamang sigawan!!! hahahaha
Si Neil and JP, gumraduate na! kumekembot na sila sa not so commercial leagues! at si Neil may planong kabugin si Oprah and Tyra sa pagiging negosyante! hahaha
Oh sya mga mars! Watch na lang kayey ng VIKINGS CUP FINALS, WCC ANONAS, QC this Sunday! 2:30PM. AMVT vs SYSTEMA!
Kung may suhestiyon, opinyon at bayolenteng reaksyon, dumulog sa pinakamalapit na baranggay o sa istasyon ng pulis! O kaya dumulog sa parlor!
Magemail sa: princesslavinchin@gmail.com kung gusto mong may iblog ako sa inyong iniidolo o kinasusuklaman!
Babala: Bawal pikon, nakamamatay!!!
Jeriel Apelar - libero (sige landiin nyo to kung gusto mo irunning spike ni Dzi Gervacio sa pes na walang net) - this. I miss dzi!
ReplyDeletehaha. LOL. Bongga! award yung kay Ricci, Rex, Marck and Ysay :D
ReplyDeleteBWISIT! Ang kulit ng blog na to! hahahaha!
ReplyDeleteCharrr!!!! HAHAHA LOL... This Blog really made my day :) esp. yung kay Bully Rex <3 lol
ReplyDeleteBALIW
ReplyDelete