Friday, August 8, 2014
ATENEO WOMEN'S VOLLEYBALL TEAM
Ang Susunod na kabaklaan ay may temang sekswal, karahasan, horror o drama na di angkop sa mga chakang mambabasa. Patnubay ng salamin ay kailangan! ding ding ding.
Habang sinusulat ko ang blog tungkol sa AMVT, alam kong may magwawalang FANS na bakit nauna pa sila kesa sa AWVT! Magwawala ang sankabilatan, sankabaklaan at ang sanlibutan na kahit si ZAIDO na pulis pangkalawakan ay walang magagawa, wala ring magagawa si ZENKI kahit nasa kanya ang mga KUKO ni Bajula o kahit ang SPIRIT Ball ni Son Goku o kahit ang baklang parlor na nagbayad ng bente pesos sa tambay sa kanto, makahada lang. hahaha!
Una sa lahat, natural alangan namang huli sa lahat, char! Sobrang daming fans ng AWVT (wag magreact ang fans ni Bulan, please? hahaha). Na kung susuriin, titingnan at babalatan ay hindi na ata mga fans. KULTO na ata tawag sa kanila! Kayang mang-away, pumatay at make-upan si aleng nagbebenta ng softdrinks sa ARENA na inferno, pamahal ng pamahal ang presyo, wag mo lang maalipusta ang kanilang iniidolo! Sa dami ng fans nila nagdadabog ng bangs ang sasampung fans ng mga gandarang ALKUINO ng ADU, Palma ng FEU at ang pinakamaganda sa balat ng halimaw sa banga na si DADANG ng NU, char! Wala silang magagawa kundi tanggapin ang katagang: AANHIN pa ang MUKHA kung mukhang inabuso ng pagkalala lala! Charaughhhhtt!!!
Back to girls, Pokus muna tayo sa Season 76 lineup. Setyembre o Oktubre nuon, di ko na tanda mga mars (dala ng katandaan! hahaha), inanunsyo na may bagong coach ang ADMU! Mega crayola ang mga hitad na magbabu for real si Mang Roger sa ADMU! Si Roger, palagi na lang si Roger. Si roger na walang malay, Si Roger na hindi nakipagkamay kay Ramil at si Roger na sinundan na ata ng ITLOG NI JANGGA sa Dyesebel dahil palaging Lotty! hahahahaha. Then inanounce na nga na THAI na ang new coach! Sabi ko WOW, baka kamukha ni mario maurer, o kamukha ni Dao Ming Tsi (bakit ba? hahaha) pero kinabahan akey nambongs baka sa haggard ng training maging kapes ng girls si gandarang Alkuino na sa kabutihang palad hindi nangyari!
Fan na ako ng ALE since kumareng Charo Santos before sya nagdecide na mag MAALALA mo KAYA! este Charo Soriano pala (nawawala na ako!!). Gandara si ateng at bet na bet key ang pagging brainy! Shala ang dating, kasing shala ko at kasing payat ko rin (mahabaging langit, maawa ka!). Pero sa di malamang kadahilanan, sexy si Charo. Ako, wag na nating pag usapan. Baka maduwal kayo!
Ako yung fan o kami ung klaseng fan na kahit UE pa ang kalaban ay nasa Arena kami! kahit alam mong si Alyssa pumalo sa labas ng ARENA, kayang i-IN ang bola! Kahit na nakapikit si Jia at nagwawalking split si AMY, kayang manalo! kahit hadain ko pa si Coach Tai sa pampublikong banyo! charauggghttt!!! hahaha. Marami na ang nakakakilala sa GIRLs. Di tulad nuon na kunti lang ang mga JEJEMON sa ARENA. Kunti lang ung madudumi ang kuko sa paa at kunti lang ang bumibili ng softdrinks kay ATE! Charaught!!
Ayokong isipin ung DANCE kete DANCE kete DANCE lassheeerr! Nastress ako ng bongga! Death threats dito, death threats doon! And ending, ung gustong pumatay nasa bahay, walang pambili ng ticket (Oh ayan ha! BINIBILI ANG TICKET PERO IBANG USAPAN UNG BINIGAY SAU TAPOS BINEBENTA MO! PUNYETA!!! HAHAHAHA)
Ateneo Women's Volleyball Season 76 Line up!
1. Alyssa Valdez - open hitter, middle, utility, setter, referee, lineswoman, barker, traffic enforcer, senator! (Kahit anong position Ibigay mo kay Alyssa kaya ng lola nyo! Kahit pumalo pa sya sa ibabaw ng lips ni ARA! (bawal Pikon ha!). (SEASON AND FINALS MVP, BEST SERVER, BEST SCORER, BEST IN ARALING PANLIPUNAN AND BEST IN MATH)
2. Denden Lazaro - libero (PINAKAMAGANDANG LIBERO SA PILIPINAS KAHIT MAGDABOG ANG MAKAPAL NA MAKE UP NI JEN REYES! HAHAHA). (BEST RECEIVER, BEST DIGGER, BEST IN HEKASI AND BEST IN COOKING) HAHAHAHA)
3. Ella de Jesus - open hitter (Siya ang patunay na hindi lahat ng below 5'5 ay takot sa galit na ilong ni ABY, charaaauuuugggghhhtt!!! (BEST in Filipino major in Sining sa pakikipagtalastasan) hahaha)
4. Julia Morado - setter. (Kay bata bata ng batang to pero kabogera na!Future sya ng Philippine Cinema. Chauceee!!! Mahihiya si Ivy at Lantin sa kagalingan ni Julia at mabrobrokot in a major major way si Kim Fajardo. Wag na nating pag-usapan si Ponon dahil pasok sya sa THE WHO times 10. (Best in Sibika at Kultura)
5. Kiwi Ahomiro - middle, utility. (Magkano Kiwi ngaun sa Pampublikong Merkado? May Private Market kaya, ang tanong saken ng ulilang bata sa simbahan ng Taytay Rizal! hahaha. Aside kay Aly, ang bet ko for Finals MVP ay si KIWI! Siya ang nagpatunay na hindi lahat ng drop shots ni Mika, successful! chauceeee!!!)
6. Ana Gopico - middle! (Isa sa pinakaIDOL ko sa ADMU! Ung bounce ball nya nung round 1 against Jaja! NAKAKALOKA! Sad lang kasi nainjured sya! Pero alam kong BABANGON siya at DUDURUGIN kayo! OO KAYO! hahaha (Best in MSEP (meron pa ba nito?)
7. Gizelle Tan - libero, setter (pinakapinagpala sa katangkaran, charrringgg!!!!) Magaling na setter naman,bakit ba? hahaha Best in Science and Technology)
8. Kim Gequillana - open hitter (kapes nya talaga ung nasa hostel part 2.Heather Matarazzo. Di siya sanay sa crowd kaya nahaggard sya nung sa araneta and moa. Pero tingnan mo naman now kabogera sa SVL Open. Bravo!!!)
9. Marge Tejada - middle (Eto ang kamukha at kasing fresh ko! hahaha. Kung nakita lang ako ni Reiley before Marge, naku baka loveless si kumare ngaun! hahaha. Best in Jowa si mars. Dahil cutie si Reiley, inferno! Sa nagsasabing Beki si REILEY, haha mga chakang ampalaya! pwee!)
10. Aerial Patnongon - Middle (Tangkad Tangkaran, BB.pilipinas levels ang AURA at ang bilis pumalo! charrrr!!! Pero wag ka, nagimprove ang kumare kong ako lang ata ung sumisigaw ng name nya sa ARENA! Dedma sa Japan, she improved a lot! that's it! Sa hindi matanggap ang pag improve, try nyong karatin ang aso kong si doug doug haha. Best in Kaputian! Chauce!)
11. Mae Tajima - middle (Hanggang ngayon pinapagsaDiyos ko pa rin ang improvement ni Mae. Keri lang, maganda naman! Oh diba may excuse IVY! Pag maganda like Mae and Loren Lantin, keri lang. Pag wala, isang bwakanang nyeta! hahaha)
12. Bea Tan - utility (Di siya naglibero this time. Sobra na daw kasi ang magagandang libero sa Ateneo, di na kayang tanggapin ni General!hahaha)
13. Natasha Faustino - setter (Though pinagpray ko na ipasok sya kahit sa isang game, pinasok ba sya?? O kaya kahit kalaban nila TESDA o DATAMEX pero malupit si parley and thai! Maganda, mayaman at ang gwapo ng JOWAAAA!!! lakas makalaglag ng bahay bata!!!)
14. Michelle Morente - utility (Counterpart ni Kumareng Neil Flores sa pagiging clutch. SHe reminds me of DZI, brasuhan ang palo! Malakas, Mabaon at minsan puro net ball! pero sino makakalimot sa performance nya against NU?? hahaha. Ung mannerisms ni dindin ang pumasok sa isip ko! at ung instagram post hahaha)
Coach : Anunsorn Thai Bundit - coach ng madla, coach ng mga beki, daddy daddy, fetish ng mga beking bet ang papa type, bet ng buong pilipinas at bet sya ni Minchin kahit puro lep layt lep layt lang naririnig ko!
Matindi ang pinagdaan ng girls, mas matindi pa sa pinagdaan ko nung panahong hindi pa nag iinarte ang regla ko! Natalo ng apat na beses, nawalan ng pag- asa, naging straight for once ang fingers ni Parley pero lumaban. lumaban hanggang inelbow ang ADU, nilamon ang NU pati ang kajejehan ni dindin at Pinaiyak si Aby sa Finals!
Congratulations GIRLS! Bilang isang beking fan, ako ay naniniwala na wala pang kikay sabi ng nanay! charrr! naniniwalang pagdating ng season 77, kakabog kau kahit sasabihin pa ni Esperanza ang mga sumusunod:
"BABAWIIN NAMIN ANG KORONA. ANG KORONANG TINIK! HAHAHAHA"
PS: Bakla pa rin ako, bottom! Si lavinia,bakla pa rin pero kwestunable ang pagkaTOP! hahahaha. At higit sa lahat, hindi bawal magcomment! hahahaha
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Sobrang nakakatuwa! Galing 3X!
ReplyDeletealiw!!! hahaha!
ReplyDeletePutang inang kabaklqan! tang ina nyo eh feeling nyo ale lang nagaling eh mas magaling pa sina jaja at dindin! Mga putang bakla! ../..
ReplyDeletehahaha! ang kulit! love the humor of this post! katuwaan lang talaga! funny how haters find time to read this!
ReplyDeleteThank You and I have a nifty supply: What Renovations Increase The Value Of A Home home renovation services
ReplyDelete